-Eng-eng.

IF ONLY
Wish kong umatend sa kasalan kung saan ang bridal procession ay RNB ang tugtog. Hindi na rin hinahagis ang bouquet, through roleta na lang. Ang magwawagi mananalo ng wedding bouquet. Kay sayang isipin kung imbis na ihagis pwede ring iparaffle na lamang ito para medyo fair naman sa mga hindi athletic at competitive. At least pagnakuha mo talagang destiny!
-Aliw.
WALANG BASAGAN NG TRIP
Ayokong makipagtext-mate sa mga hindi kilalang nilalang o sa mga taong hindi ko alam ang personal background or walang recommendation mula sa isang kaibigan. (Naks, kapal din ng mukha ko mag-inarte)
Hindi ko na lamang pinapansin ang mag nagtetext sa kin na di kilala pero minsan pag full moon at nagsisi-awit ang mga kuliglig nirereplyan ko sila. Ang hindi ko lang alam bakit hindi na sila nagrereply sa akin after????
Example 1:
Txt msg: Hi! Mark here, 24, m, Manila. ikaw?
Mari reply:
Hi!
I’m Bruno, 24, male pero para sa’yo handang maging female, Capiz. Usta na dre? ^^.
Txt msg: no reply
Example 2:
Txt msg: Gud pm pow. Pwede pow ba keo maging txtm8
JM, 21, m, Taguig. NASL pow u?
Mari reply:
=) Rodolpo, Dolpo sa umaga, Dolpina sa gabi. 23, Siquijor.Siquijor.
Nice meeting u pareh. mwah! =)
Txt msg: no reply
Bakit hindi nila ako nirereplyan? Ang rude huh. hehe