Sunday, August 23, 2009

AbaLang TamBay


(PROLOGUE)

June 7, 2009. Isang tipikal na araw para sa nakararami; isang araw upang ulitin lamang kung ano ang nagawa na kahapon o kaya naman isang araw upang paghandaan ang kinabukasan; gaya ng concert ng Pusy Cat Dolls, pagdownload sa youtube ng usong video o kaya naman pagsali sa sunod na reality show. Astig. Kala nyo kayo lang? Syempre, iba din ang araw na ito para sa akin. Dahil ngayon official na, isa na akong ganap na tambay! Mas Astig.

Nasa waiting shade ako sa tapat ng isang high school building at kasalukuyang katitigan ang asong may katarata na itatago ko na lang sa pangalang Winnie. Kakatapos ko lang ng Test V ng board exam at ayon, habang inaantay ko yung dati kong classmate matapos, si Winnie and napagdiskitahan ko. Mabait naman sya kaya madali kaming nagkapalagayan ng loob. Kaya nga lang dahil sa aso sya at hindi naman ako bihasa sa salitang aso, ako na lang ang nag-share sa kanya ng mga hopes and dreams ko…

Pangarap kong yumaman at OO, materyalosa ako! O, wag ka ng manermon, alam kong hindi lang pera ang mahalaga sa mundo. O, hihirit ka pa eh. Alam ko ring may mga mayayaman na hindi rin naman masaya kahit mayaman pa sila…pero gusto ko pa ring yumaman tapos saka ko na lang pagsisihan iyon. Parang, “Syet! Ang yaman-yaman ko! Ayoko ng ganitong buhay, hindi ko alam kong paano ko uubusin ang kayamanang ito. Napakamalas ko. Nakakaawa naman ako. huhuhu”

At iyon na nga, tulad ng mga tipikal na uhuging bata na minsan ng nasermonan ng “Matulog ka sa tanghali nang tumangkad ka”. Nasabihan na rin ako ng sikat na linyang ito: “Mag-aral ka kasi ng husto para paglaki mo makuha mo lahat ng gusto mo.” Dahil sa bata pa lang ambisyosa na talaga ako, nagpauto ako sa kasinungalingang ito. Pagkagraduate ko ng high school napasubo na ako agad sa killer question ng mga tsismosang kaibigan ng nanay ko: “Anong kukunin mo sa college?”

Wala akong talagang pangarap marating, sa islum note nga pagtinanong yung greatest ambition/who you want to be? iba-iba nilalagay ko, minsan doctor, abogada, at madalas computer engineer (na hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga lubos na naiintindihan kung ano ang ginagawa). Kaya ng minsang nagfather and daughter bonding kami ng tatay ko, umamin na ako.

Mari: Ito po ang totoo, gusto kong yumaman. NGAYON NA. Pero ayokong magtrabaho kasi tinatamad ako. Ang gusto ko pong kurso, eh yung pagraduate ko, bibigyan lang ako ng pera kahit nakaupo.

Itay: Siraulo ka talagang bata ka, o sya mag-apply ka sa toll gate! Dun maghapon ka nang nakaupo maya’t maya pa may nagbibigay ng pera sa iyo. Cool.

Haay… Corny mang isipin pero yun talaga ang nangyari. Dahil sa ayoko din naman sa toll gate, namili na ako ng kurso. Katulad din ng karamihan ng freshmen napunta ako sa kursong pinakasikat sa batch namin. Ang nursing. Grabe sa sobrang dami ng nagnurse sa amin, pwede ka ng magpagawa ng hospital. Ang porma, kasi anu’t anoman, talagang may nurse na ang high school adviser namin. Mahaba rin ang naging adventures ko bilang isang nursing student, gusto ko sanang ishare kaya lang sobrang mawawala na tayo sa konsepto ng kwentong ito. Abangan nyo na lang baka may book2.

Okay, fast forward tayo. (sound effects ng doraemon kapag nagttravel sila in time)

Tapos ko na ang huling set ng exam at ayon bilang pagpalipas oras nakipagtitigan ako kay Winnie, yung asong may katarata. Ang biglang ingay na umalulong sa hallway na nagmula sa mga tawanan at kwentuhan ng mga kapwa ko examinees ang nasilbing ‘gong’ ng buhay ko. This is it, isa na akong ganap na tambay!

No comments:

Post a Comment