Friday, October 23, 2009



Aatend ako sa kasal ng kapatid ng kaibigan ko. Sosyal ang kasalan. Pormal. At may mga kilalang tao (artista at politician) na dadalo. Kaya naman kabado ako. Dahil dyan naipanganak ang panuntunang ito.

  • Mari, ang pupuntahan mo ay tao hindi mga kagaya mong maligno. Magbihis ng maayos. Wag ilagay lahat ng kulay sa damit. Mahalay.
  • Hindi ka subasta at lalong hindi ka sampayan, tigilan na ang o.a. na mga accessories.
  • Pagkakakain na wag ka hayok. Hindi ito relief station at lalong walang feeding program. Ang mga kapwa mo bisita ay hindi kompetisyon! Relax.
  • Tandaan ang kutsara ay hindi pinanghihiwa!
  • And last but surely not the least, huwag kang mag-uuwi ng kutasara, tinidor, napkin at platito. May mga ibang bagay na pwedeng gawing souvenir maliban sa mga ‘yan.

No comments:

Post a Comment