
Texta Sketch
Wirdo ako. Anyways, although I have a friendly spirit wala ako masyadong super friends (Yes, dapat talaga super) na pinagsasabihan ko ng sikreto at mga widong kaisipan. At dahil dyan nagkaroon ako ng mga Inbox Friends.
Wirdo ako. Anyways, although I have a friendly spirit wala ako masyadong super friends (Yes, dapat talaga super) na pinagsasabihan ko ng sikreto at mga widong kaisipan. At dahil dyan nagkaroon ako ng mga Inbox Friends.
Inbox Friend #1 a.k.a. C.Four (pramis, yan talaga palayaw nya)- nakilala ko sya nung minsan dumalo ako sa isang leadership seminar sa baguio nung 4th yr high school ako. Mas matangkad sya sa akin pero mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan. Isang lingo rin yung seminar, hindi kami naging close at hindi na rin kami msyadong nagkita matapos iyon. Pero nung magcollege ako sa kanya ko lagi nababangit ang mga personal problems ko. Siguro kasi naroon ang katotohanang mas madaling magkwento sa taong hindi ka rin masyadong kilala, hindi ka huhusgahan. Mas madaling magkwento sa taong hindi mo naman kailangan pakisamahan kinabukasan. Pwede ka mag-inarte, pwede ka mag-senti at pwede kang magpakatotoo. [yes, uyyy seyoso]
Inbox Friend #2 a.k.a. Mon- textmate sya ng kaibigan ko. Hindi pa kami nagkikita sa personal (ever). Pero nakita ko na mga pix nya sa F.S. hindi sya gwapo (yabang ko talaga hahaha). Ayun na nga hindi sya hunk and all pero sobrang fun nya katxt, witty rin kasi saka masaya kausap. Liligawan ko na nga sana ‘toh kung nagkataong pogi (Mari-sobrang tuminitingin sa panlabas na anyo.) Nag-umpisa ko syang maging katxt nung ipalabas si Jumong at ngayong may replay ulet ng Jumong magkatxt pa rin kami…. Hmmnn.. isa sigurong bagay kung bakit magkasundo kami ay dahil lagi nya akong binobobola. Naiirita ako pag may bumobola sa akin dahil aminado naman akong ang aking kagandahan ay inner beauty (hahaha, depensa ng panget) pero kasi pag sya ang humirit nakakatuwa. Yup, sometimes he is simply too good for my ego!
Inbox Friend #3 a.k.a Aer (pronounced as EYER)- friend sya ng classmate ko nung college.Hindi pa rin kami nakikita in person, sa F.S. lang. And again hindi rin sya kagwapuhan, medyo mataba sya ng konti. Sya naman ang laging nakakatanggap ng mga wirdo kong idea (ex: gusto ko someday kahit minsan lang sa buhay ko, maging kabet ako). Masaya rin sya katxt kasi sinasakyan lang nya ang trip ko.
No comments:
Post a Comment