Nurse ako by profession. Napansin mo na ba kung paano nagkalat ang mga nurse sa bansang ito? Kalabitin mo yung naninigarilyo dyan sa gilid baka nurse ‘yan. Intrigahin mo rin yung kausap mong call center agent chances are nurse iyan. Ayoko ng pag-usapan pa kung sino ba ang may problema, kaming mga bagong graduate/board passers o ang mundong ginagalawan namin?
Kikay akong tao. Kaya kahit nagpunta ako sa headquarters kikay look pa rin ako. Eh ano kung ang kulit ng lace ng damit ko at fit ang skinny jeans ko? Ano naman kung nakaopen toes ang may takong ko pa na sapatos? Ano naman? Ganyan ang future generation ng mga maglilingkod sa inyo, may sense of fashion! Pero syempre pa ako lang naman ang nakaapreciate ng look kong ito. Dahil irap, taas kilay lang naman ang inani ko mula sa mga sundalong babae rito.
Nakarating na nga ako sa opisina na gusto kong puntahan. Mabait naman ang boss ng unit na ‘to. Kakilala rin nya ang tatay ko na nagtratrabaho rin dito. Oh well, minsan ganyan talaga ang mundo… binubuo ng koneksyon. Naipasama ko na ang resume ko pati application form. Nakapagbattery exam na rin ako para makapasok sa institution na ito. Habang wala pang resulta, sa Monday magsisimula akong maging volunteer sa medical unit at excited na talaga ako. Watch out guys, andito na ako! Kayanin nyo ang kawirduhan ko!
AT MONDAY NA NGA ANOH…
Nakilala ko rito si Karibal (isa ring nurse-officer aspirant)
5’4” (pero sabi nya 5’5” daw sya)
Moreno
Nakasalamin
Physically Fit
Bibo
3 months ng volunteer dito
MaP.R.
Gusto ng lahat
Ayun.. okay lang naman sa aking maging bago sa isang social group. At okay rin lang naman sa akin ang taong active, energetic or as they call it ‘snappy’. Ang di ko lang talaga matanggap ay kung bakit naging ganito ang aming sitwasyon ni karibal:
- ultimo pagkuha ng bp (blood pressure) ng walang labang pasyente kumpetisyon.
- kapag may assist for minor surgeries magugulat na lang ako andun na sya! Syempre hindi na ako pwedeng sumingit kasi crowded na.
May isa pa palang persona akong isisingit. Tawagin na lang natin syang Killer Eyes.
5’2” (di ko ito sure ha)
May pinanghahawakang posisyon
May killer eyes – kung nakakamatay lang ang tingin matagal na akong agaw buhay.
Anyway, damang dama ko talaga na mas gusto nya si karibal kasya sa akin. At hindi naman katakataka kasi may mga ’00, tanga po ako’ moments ang buhay ko. Gayunpaman, iba talaga yung aura nya… yung tipong tignan pa lang nya ako gusto ko na mag-sorry.
*Notice to public: Ang kaganapang ito sa buhay ko at ang pakitungo sa akin nina Karibal at Killer Eyes ay maaaring maling interpretation ko lang, maaring ako ang may problema.. pero kasi naman ano, kung kayo ang nasa sitwasyon ko… naku… naku….. hehehe
Nampucha! Pinatawa mo ako habang nalulungkot naman ako sa mga situasyon ng mga nurses natin diyan....... Nars din ako kaya nakakalungkot..
ReplyDeleteBe yourself, I know you are a wonderful person..
:)