Friday, October 23, 2009

BYAHENG EXPRESS

TOLL GATE 1

Bilang bagong volunteer gusto ko maging bibang bata, kaya bawat kibot sunod ako ng sunod sa aksyon. Nasa ward ako, dalawa lang naman ang pasyente, magkatapat yung kama nila. Si kuyang nasa bed1 for wound dressing at syempre bilang bagong salta: observer lang ako. Kahit ganun mega karir ako sa pag-oobserve ng biglang, mahulog ang mga unan sa paanan ni kuyang nasa bed2.

Bad trip. Abala. Nilingon ko ang kabilang kama at pinulot ang mga nahulog na unan.

Plano: Ipatong ang paa ni kuya bed2 sa mga unan tapos mag-observe na ulet kay kuya bed1.

Mari: Excuse me po. (inaantay itaas ni kuya bed2 ang mga paa nito)
Kuya Bed2: (Walang reaksyon)
Mari: (sa isip: so ganun?) excuse me po…. excuse me po… kuya… excuse me po.. sir excuse me po…
Kuya Bed2: (nag-angat ng tingin) Neng, paralisado ako.
[hoooo. great! galing ko talaga!]


Sitwasyon2: May aksyon na naman.

Doctor: Ikuha mo ako ng sofratule.
Mari: (takbo patungo sa cabinet) ahm…. ano ulet ang hinahanap ko???
(inalala ang nakaraang eksena) so*blip*blip wee wenk wenk… [hindi ko maalala shet!]

Sitwasyon3: Hapon na, nagbp muli si Mari sa isang lalang ng dyos na may posisyon.

Manong: Pa-bp nga
Mari: Okei po…. (at na-bp ko na nga) 120/80 po
Manong: Oh eto namang kabila
Mari: (bp ulet) 130/80 po
Manong: Bakit magkaiba? Ano kaya ang may prolema ang dugo ko o yung kumukuha ng bp? Pagawan kaya kita ng evaluation sheet?

Ang eksenang ito ay naganap sa harap ni mabait na boss ng unit na ito… hay buhay…

History: Alam nyo bang minsan na ring na-ibp si manong ni karibal? Magkaiba rin naman ang kuha nya pero ayun okay lang naman sa kanya… haaay…

--
ENGKWENTRO

Ngumingiti rin naman si Killer Eyes, pero may mga moments talaga na mararamdaman mo yung hamon na “Sige, magbiro ka at ng matapos na ang buhay mo.” Alam nyang anak ako ng tatay ko. Kung nakabauti man ito o nakasama hindi ko alam. Sa mundong umiikot sa koneksyon, masayang malamang ang kaibigan ng ninong mo ay kaibigan mo rin; good luck na nga lang sa iyo dahil ang kaaway nya ay bangungot mo hanggang ika’y mapraning!

Masaya naman syang kausap… mabait in a way, pero pag trabaho na at nagkataong toxic mabilis syang mairita ng mga retorikal kung tanong.


Sitwasyon: May patient na nasangkot sa isang vehicular accident 5 days ago; minor wounds lang naman ang naging souvenir nya sa experience na ito. Ako ang nagwound dressing. May pus na yung wound at wala pala syang iniinom na antibiotic. Out of concern lang naman pinayuhan ko syang magpakonsulta muli para mabigyan ng gamot. Matapos resetahan, inabot ko na sa pasyente yung cloxacillin. Okay naman ang lahat ng biglang maging toxic ang sitwasyon at dumami ang pasyente. Nadisorient tuloy ako, tapos bigla akong tinawag ni Killer Eyes.

M.K.E.: Yung Cloxa okay na ba?
Mari: Ahm.. Po?
M.K.E.: (nagningas ang mga mata) Cloxa!
Mari: (kabado, lumunok) tapos po?
M.K.E.: Yung cloxacillin naibigay mo na ba?!
Mari: (paos) K-kanino po?
M.K.E.: (lalong naghimagsik ang mga mata) sa pasyenteng pinakita mo kanina!
Mari: (biglang tumayo ng tuwid) Yes ma’am nabigay ko na po. Napapirmahan ko na rin po ung form sa pharmacy.

Haaay.. oh di ba? Minsan talaga ang stupid ko…. Marami pa akong tanga moments kasama nya pero ito yung pinakalatest hehe.

Bakit kaya parang ang unstable ko habang si karibal ay ever dependable???


Mula sa eksenang ito, hanggang sa pagkuha kahit ng bp parang may duda pag nalaman nyang ako ang gumawa…. haaay…. tiwala, minsan ang hirap mong makuha. hehehe

Naalala ko tuloy ang sabi ng college English teacher ko: Ang mga uno sa grade nyo, baleweala na pagnagtrabaho na kayo.

Siguro ganun nga talaga. Bawat tanghalan iba iba ang nanunuod. Masaya naman ako dahil sa huling entabladong ginanapan ko nagpalakpakan ang mga tao… ang problema ko nga lang ngayon, dahil sa bumababa na ang telon sa dati kong entablado, paano ko sisimulang ganapan ang mas malaking papel sa mas malaki at bagong tanghalan?

No comments:

Post a Comment