Aplikante na talaga ako! Obvious ba? Pinagupit ko na ang dati kong long wavy hair. Gupit kontrabida na ako (tipong Max Alvarado???). Plus! Nakaputing t-shirt ako, maong pants at white rubber shoes. Uy.. uy akala mo iyon lang ‘yun? Wait! There’s more. Naka tuck in ako! Tuck in! At take note mataas ako magtack in kaya tipong 90’s look talaga… (yey, I labB bagets.) Habang nakapila sa ilalim ng tirik na araw, nagkita kami ni Karibal, nagngitian. Suot pa rin nya ang dark blue na scrubsuit at rubber shoes. Maghihiwalay na nga yata kami ngayon ng landas.
Karibal ko man sya, syempre nalungkot pa rin ako dahil hindi sya nakapasa sa battery exam kaya ayun. Sa huling pagkakaalam ko magvovolunteer pa rin sya sa medical unit ngayon, bakasyon nga lang sya hanggang pagkatapos ng undas.
Hanggang ngayon, kapag naalala ko sya at pag nagkataong nagkakasama kami may mga pagkakataon pa rin talagang sumasama ang loob ko sa kanya. Di ko alam kung sensitive lang ba ako talaga o sadyang bitter o siguro naapektuhan ng ovulation ko ang pag-iisip ko. Ewan.
Sa ngayon, gusto ko na lang tignan ang mga aral na natutunan ko sa kanya.
Una. Maging bibo-> ikaw ang lumapit sa pagkakataon. Huwag mo itong antayin at lalong hindi rin ito ang mag-aantay sa iyo. Kung isa kang taong naniniwalang kapag sa iyo ang isang bagay sa iyo talaga kahit ano mangyari, wag kang masyadong pakasigurado. Kadalasan ang bagay na dapat sa iyo na, naagaw pa ng iba dahil bibo sila, dahil mapilit sila, dahil para sa kanila: Kung ang isang bagay ay para sa kanila kukunin nila ito gamit ang dalawang kamay; may kaagaw man o wala.
Ikalawa…..
ah wala ng ikalawa! Tama na yung isa. At least nasabi ko naman na may natutunan ako mula sa kanya di ba??? hoooo….
Ipinagpatuloy ko na ang pag-pila…. Mainit talaga… patay ang kulay mocca kung kutis, mabils pa naman akong mangitim. Mainit. Maalinsangan. Napakaraming aplikanteng tulad ko na narito. Marami ring umaasa na magkakatrabaho na sila sa wakas. Nilingon ko ang paligid. Nilinga ang dagat ng mga mukha na nakapalibot sa akin. Paano ko nga ba sila titignan, kaibigan o kompetisyon?
Ipinagpatuloy ko na ang pag-pila…. Mainit talaga… patay ang kulay mocca kung kutis, mabils pa naman akong mangitim. Mainit. Maalinsangan. Napakaraming aplikanteng tulad ko na narito. Marami ring umaasa na magkakatrabaho na sila sa wakas. Nilingon ko ang paligid. Nilinga ang dagat ng mga mukha na nakapalibot sa akin. Paano ko nga ba sila titignan, kaibigan o kompetisyon?
No comments:
Post a Comment