Friday, October 23, 2009

BYAHENG EXPRESS


TOLL GATE 2


Sa institution na ito mayroon akong dalawang babae na gagawin kong role model hangang mamatay ako. (hooo… karir)

a. Dimples- marami syang magandang katangian pero isa ang gusto kong gayahin sa kanya. FAIRNESS
b. Nurse- sya ang super idol ko. May kapintasan, may kamalian pero at the end of the day, competent nurse pa rin. Period.


Dahil sa ako nga ay anak ng tatay ko, madalas sa mundong iniikutan ko sa ngayon ang mga tagumpay ko kalimitan naikakabit sa ‘koneksyon’ di umano ng tatay ko. Ang akin lang: WISH KO LANG TOTOO ITO.

Kasi ang tatay ko yung tipo ng tao na papipilahin ka kahit pwede namang sumingit gamit ang koneksyon; magbayad sa mga lamang dagat na pwedeng libre naman, pag-eexamine ka sa para sa isang entrance test na pwede naman palang gamitan ng mga kabig dito at dyan! Haaayy…. Kahit ganun okay lang. Mayabang kasi kami kaya ang depensa namin sa mga ganitong pagkakataon: I DON’T NEED TO


Final Exam na, mangongopya ka ba?: I DON’T NEED TO.
Wag ka ng mag-exam, ilalakad na lang kita, okay lang?: I DON’T NEED TO.
Sumipsip ka lang ng sumipsip para sa posisyon.: I DON’T NEED TO.



O di ba: mayabang. Akala mo kung sinong capable.


Sa ganitong panata ako lumaki (tumatanda na lang since hindi naman ako nalaki) kaya syempre nakapang iinit ng ulo pag may nagkokomentong kaya ako nakapasa sa battery exam ng institution na ito ay dahil sa tatay ko.


At oo, nakapasa na nga ako sa battery exam, pati dalawang pinsan ko na kasabay ko rin nag-exam. Minsan lang talaga hindi maiiwasan ang intriga mula sa ibang tao… (buntong hininga) Ganyan talaga ang buhay….


1 comment:

  1. inggit lang cla dre.. kung ako hndi natanggap tas ikw natanggap o kya ikw my kapit tas ako wala--- kahit ako maiinggit... hehe.. unawain mo nlng ang mga talunan..=))

    ReplyDelete