Friday, October 23, 2009


Love Bird Flu

Hindi ko na ikukwento in detail ang sakit na ito pero kung ano man ito alam kong pareho tayong may opinion tungkol dito. Nga pala, ako ay babaeng di pa nagkashota ever, at kung totoo man ang past life…. siguro madre ako nun, or matandang matabang dalagang librarian or simply put baka dati akong mahaderang bakla. Kung totoo man ang destiny o tadhana, matagal na akong naniwalang ang lalaking laan para sa akin ay either pinalaglag ng nanay nya sanggol pa lang or isa na ngayong masayang lalaki sa piling ng gwapong boyfriend nya.

Back to my point, Love Bird Flu- minsan talaga naallergy ako sa sakit na ito at sa mga taong tinamaan nito. At ang hindi ko talaga maintindihan bakit ba ako laging nasasangkot sa mga eksenang may ganito???





Boy at Girl nag-agawan sa nabakenteng upuan, nagkabungguan.

Girl: (gumuhit ang pagkilala sa mukha) uy! It’s you.
Boy: Uy, ikaw ulet. Sige upo ka na.
Girl: (lumukot ang mukha makasmile lang) Thanks. Small world.
Boy: Oo nga.

Mari sa isip: awkward.

Boy: Umulan na naman kanina ah (smile, halatang may naalala)
Girl: Oo nga eh, as usual wala na naman akong payong. (ngumiti rin)
Boy: (tumawa sabay iling) Small world talaga.

Mari sa isip: Shoot! Oo na, labb team na kayo. Ooookei payn! Soulmate na kayo, ang lalandi ng mga kaluluwa nyo!
nasaan ang bitter??? wala naman ah, kayo talaga issue, hehe

Inbox Friend MON Recevied

Nagiging madalas na nga yata ang pagiging emo ko. Haay… dati naman hindi ako ganito. Just to update you guys, wala ako masyadong talent kaya mataas ang insecurities ko. Grabe, wala talaga akong kakayahan other than having a beautiful photogenic face. (hephephep walang kokontra blog ko ‘toh!) Para sa mga nakakakilala sa akin: Oo na!!! Chubby ako at maliit at maingay at madungis at maraming peklat at makutata pero aminin nyo ayos naman ang muka ko!

AT iyon na nga… naikwento ko kay Mon ang hinanahit kong ito.

Mon: San ba nanggaling ‘yang thoughts mo na ‘yan?

Mari: Kasi naman Mon, yung bago kang karir in life kelangan marunong ako lumangoy. Hindi naman ako marunong lumangoy! Yung mga kasabayan ko na dati hindi marunong ngayon magaling na! Nadedepress talaga ako at naiinsecure. =( Alam mo yung feeling na parang wala akong talent talaga???

Mon: Eh ano kung di ka agad matutong lumangoy? Ang paglangoy natutunan pero ang pagiging maganda hindi. Kaya nakapagtatakang naiinsecure ka.

[Whew, sometimes you are really too good for my ego]
The Question, To You I Ask

Ever felt a heart break? Ever felt a heart ache?
Ever felt a heart pain? Ever felt a heart in vain?

If yes, then you are experience;
If yes, then can you answer this?

How can one move on?
How can one move on?

How can one give something she doesn’t have?
How can one say goodbye to something that never came by?
How can one forget sweet memories that never took place?

How can one move on?
How can one move on?

How can one throw something that was never hers?
How can one close a heart that was never open?
How can one stop the bleeding from a wound that was never cut?

How can one move on?
How can one move on?

How can one move on from an imaginary heart break?

How can one move on
when the laughter,
the pain and the suffering
were only felt by her?

How can one move on
when all the feelings
were known only to her?

You are experience. You are wise.
And for this I need your advice,

How can one move on from an imaginary heartbreak?


Aatend ako sa kasal ng kapatid ng kaibigan ko. Sosyal ang kasalan. Pormal. At may mga kilalang tao (artista at politician) na dadalo. Kaya naman kabado ako. Dahil dyan naipanganak ang panuntunang ito.

  • Mari, ang pupuntahan mo ay tao hindi mga kagaya mong maligno. Magbihis ng maayos. Wag ilagay lahat ng kulay sa damit. Mahalay.
  • Hindi ka subasta at lalong hindi ka sampayan, tigilan na ang o.a. na mga accessories.
  • Pagkakakain na wag ka hayok. Hindi ito relief station at lalong walang feeding program. Ang mga kapwa mo bisita ay hindi kompetisyon! Relax.
  • Tandaan ang kutsara ay hindi pinanghihiwa!
  • And last but surely not the least, huwag kang mag-uuwi ng kutasara, tinidor, napkin at platito. May mga ibang bagay na pwedeng gawing souvenir maliban sa mga ‘yan.


Texta Sketch

Wirdo ako. Anyways, although I have a friendly spirit wala ako masyadong super friends (Yes, dapat talaga super) na pinagsasabihan ko ng sikreto at mga widong kaisipan. At dahil dyan nagkaroon ako ng mga Inbox Friends.

Inbox Friend #1 a.k.a. C.Four (pramis, yan talaga palayaw nya)- nakilala ko sya nung minsan dumalo ako sa isang leadership seminar sa baguio nung 4th yr high school ako. Mas matangkad sya sa akin pero mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan. Isang lingo rin yung seminar, hindi kami naging close at hindi na rin kami msyadong nagkita matapos iyon. Pero nung magcollege ako sa kanya ko lagi nababangit ang mga personal problems ko. Siguro kasi naroon ang katotohanang mas madaling magkwento sa taong hindi ka rin masyadong kilala, hindi ka huhusgahan. Mas madaling magkwento sa taong hindi mo naman kailangan pakisamahan kinabukasan. Pwede ka mag-inarte, pwede ka mag-senti at pwede kang magpakatotoo. [yes, uyyy seyoso]

Inbox Friend #2 a.k.a. Mon- textmate sya ng kaibigan ko. Hindi pa kami nagkikita sa personal (ever). Pero nakita ko na mga pix nya sa F.S. hindi sya gwapo (yabang ko talaga hahaha). Ayun na nga hindi sya hunk and all pero sobrang fun nya katxt, witty rin kasi saka masaya kausap. Liligawan ko na nga sana ‘toh kung nagkataong pogi (Mari-sobrang tuminitingin sa panlabas na anyo.) Nag-umpisa ko syang maging katxt nung ipalabas si Jumong at ngayong may replay ulet ng Jumong magkatxt pa rin kami…. Hmmnn.. isa sigurong bagay kung bakit magkasundo kami ay dahil lagi nya akong binobobola. Naiirita ako pag may bumobola sa akin dahil aminado naman akong ang aking kagandahan ay inner beauty (hahaha, depensa ng panget) pero kasi pag sya ang humirit nakakatuwa. Yup, sometimes he is simply too good for my ego!

Inbox Friend #3 a.k.a Aer (pronounced as EYER)- friend sya ng classmate ko nung college.Hindi pa rin kami nakikita in person, sa F.S. lang. And again hindi rin sya kagwapuhan, medyo mataba sya ng konti. Sya naman ang laging nakakatanggap ng mga wirdo kong idea (ex: gusto ko someday kahit minsan lang sa buhay ko, maging kabet ako). Masaya rin sya katxt kasi sinasakyan lang nya ang trip ko.

If Only

If only time can wait for me,
Then perhaps there is a chance between ‘we’.
Perhaps we can be, more than strangers in the sea.

If only there is a pause I can choose
Then perhaps I will not lose.
[Because if such thing exist;]
I will grasp not only the chance to live well;
but I will also open my arms, for the ringing of the church bell.

If only I can make sure I will not run out of time,
Then certainly in love I will always have a rhyme.

If only I can choose you, over a dream
Over a path of life, living in cream
Then perhaps there is a possibility
Of living with you, my destiny

But for now, all of these are nothing but ‘what if’ and ‘can be’
For in the brink of light we both know,
I already choose to flight and let you be.





MENU

Lumaki ako sa bayang napapaligiran ng anyong tubig kaya natural na talaga ang hilig ko sa mga seafoods. Sobrang pwede mo akong suhulan gamit ang pagkain.

Halimbawa:

Di kilalang Lalaki: Oy babae, puputulin na namin ang fallopian tube mo pero may hipon ka naman. Okay lang?
Mari: Okay. ^^.


*Sibling Series*

Eksena: Naglilinis sila ng bahay nh makita ang mga ilang periodic exam ni Eng-eng sa Character at Makabayan nung sya ay Grade 3 pa lamang.


[Ikalawang Markahan]
Character

Tanong #12: Ang produkto ay masasabing kapakipakinabang kung ito ay:
Sagot ni Eng-eng: a) SOSYAL AT MAMAHALIN

Tanong #24: Nasusunog ang inyong bahay, ikaw ay:
Sagot ni Eng-eng: c) Iiyak.

Tanong #26: Isang umaga inutusan ka ng iyong ina na bumili ng toyo sa tindahan. Matapos magbayad ay sinuklian ka ng tindera. Napansin mong sobra ang isinukli sa iyo. Ano ngayon ang gagawin mo?
Sagot ni Eng-eng: d) Hindi ko po alam.


[Ikatlong Markahan]
Makabayan

Panuto: Punan ang mga sumusunod na pangungusap:

Tanong #3: Ang tatay ko ay Pilipino. Ang nanay ko ay Pilipino. Ako ay __________.
Sagot ni Eng-eng: Amerikano.

BYAHENG EXPRESS

TOLL GATE 3

Aplikante na talaga ako! Obvious ba? Pinagupit ko na ang dati kong long wavy hair. Gupit kontrabida na ako (tipong Max Alvarado???). Plus! Nakaputing t-shirt ako, maong pants at white rubber shoes. Uy.. uy akala mo iyon lang ‘yun? Wait! There’s more. Naka tuck in ako! Tuck in! At take note mataas ako magtack in kaya tipong 90’s look talaga… (yey, I labB bagets.) Habang nakapila sa ilalim ng tirik na araw, nagkita kami ni Karibal, nagngitian. Suot pa rin nya ang dark blue na scrubsuit at rubber shoes. Maghihiwalay na nga yata kami ngayon ng landas.

Karibal ko man sya, syempre nalungkot pa rin ako dahil hindi sya nakapasa sa battery exam kaya ayun. Sa huling pagkakaalam ko magvovolunteer pa rin sya sa medical unit ngayon, bakasyon nga lang sya hanggang pagkatapos ng undas.

Hanggang ngayon, kapag naalala ko sya at pag nagkataong nagkakasama kami may mga pagkakataon pa rin talagang sumasama ang loob ko sa kanya. Di ko alam kung sensitive lang ba ako talaga o sadyang bitter o siguro naapektuhan ng ovulation ko ang pag-iisip ko. Ewan.


Sa ngayon, gusto ko na lang tignan ang mga aral na natutunan ko sa kanya.

Una. Maging bibo-> ikaw ang lumapit sa pagkakataon. Huwag mo itong antayin at lalong hindi rin ito ang mag-aantay sa iyo. Kung isa kang taong naniniwalang kapag sa iyo ang isang bagay sa iyo talaga kahit ano mangyari, wag kang masyadong pakasigurado. Kadalasan ang bagay na dapat sa iyo na, naagaw pa ng iba dahil bibo sila, dahil mapilit sila, dahil para sa kanila: Kung ang isang bagay ay para sa kanila kukunin nila ito gamit ang dalawang kamay; may kaagaw man o wala.

Ikalawa…..
ah wala ng ikalawa! Tama na yung isa. At least nasabi ko naman na may natutunan ako mula sa kanya di ba??? hoooo….

Ipinagpatuloy ko na ang pag-pila…. Mainit talaga… patay ang kulay mocca kung kutis, mabils pa naman akong mangitim. Mainit. Maalinsangan. Napakaraming aplikanteng tulad ko na narito. Marami ring umaasa na magkakatrabaho na sila sa wakas. Nilingon ko ang paligid. Nilinga ang dagat ng mga mukha na nakapalibot sa akin. Paano ko nga ba sila titignan, kaibigan o kompetisyon?

BYAHENG EXPRESS


TOLL GATE 2


Sa institution na ito mayroon akong dalawang babae na gagawin kong role model hangang mamatay ako. (hooo… karir)

a. Dimples- marami syang magandang katangian pero isa ang gusto kong gayahin sa kanya. FAIRNESS
b. Nurse- sya ang super idol ko. May kapintasan, may kamalian pero at the end of the day, competent nurse pa rin. Period.


Dahil sa ako nga ay anak ng tatay ko, madalas sa mundong iniikutan ko sa ngayon ang mga tagumpay ko kalimitan naikakabit sa ‘koneksyon’ di umano ng tatay ko. Ang akin lang: WISH KO LANG TOTOO ITO.

Kasi ang tatay ko yung tipo ng tao na papipilahin ka kahit pwede namang sumingit gamit ang koneksyon; magbayad sa mga lamang dagat na pwedeng libre naman, pag-eexamine ka sa para sa isang entrance test na pwede naman palang gamitan ng mga kabig dito at dyan! Haaayy…. Kahit ganun okay lang. Mayabang kasi kami kaya ang depensa namin sa mga ganitong pagkakataon: I DON’T NEED TO


Final Exam na, mangongopya ka ba?: I DON’T NEED TO.
Wag ka ng mag-exam, ilalakad na lang kita, okay lang?: I DON’T NEED TO.
Sumipsip ka lang ng sumipsip para sa posisyon.: I DON’T NEED TO.



O di ba: mayabang. Akala mo kung sinong capable.


Sa ganitong panata ako lumaki (tumatanda na lang since hindi naman ako nalaki) kaya syempre nakapang iinit ng ulo pag may nagkokomentong kaya ako nakapasa sa battery exam ng institution na ito ay dahil sa tatay ko.


At oo, nakapasa na nga ako sa battery exam, pati dalawang pinsan ko na kasabay ko rin nag-exam. Minsan lang talaga hindi maiiwasan ang intriga mula sa ibang tao… (buntong hininga) Ganyan talaga ang buhay….


BYAHENG EXPRESS

TOLL GATE 1

Bilang bagong volunteer gusto ko maging bibang bata, kaya bawat kibot sunod ako ng sunod sa aksyon. Nasa ward ako, dalawa lang naman ang pasyente, magkatapat yung kama nila. Si kuyang nasa bed1 for wound dressing at syempre bilang bagong salta: observer lang ako. Kahit ganun mega karir ako sa pag-oobserve ng biglang, mahulog ang mga unan sa paanan ni kuyang nasa bed2.

Bad trip. Abala. Nilingon ko ang kabilang kama at pinulot ang mga nahulog na unan.

Plano: Ipatong ang paa ni kuya bed2 sa mga unan tapos mag-observe na ulet kay kuya bed1.

Mari: Excuse me po. (inaantay itaas ni kuya bed2 ang mga paa nito)
Kuya Bed2: (Walang reaksyon)
Mari: (sa isip: so ganun?) excuse me po…. excuse me po… kuya… excuse me po.. sir excuse me po…
Kuya Bed2: (nag-angat ng tingin) Neng, paralisado ako.
[hoooo. great! galing ko talaga!]


Sitwasyon2: May aksyon na naman.

Doctor: Ikuha mo ako ng sofratule.
Mari: (takbo patungo sa cabinet) ahm…. ano ulet ang hinahanap ko???
(inalala ang nakaraang eksena) so*blip*blip wee wenk wenk… [hindi ko maalala shet!]

Sitwasyon3: Hapon na, nagbp muli si Mari sa isang lalang ng dyos na may posisyon.

Manong: Pa-bp nga
Mari: Okei po…. (at na-bp ko na nga) 120/80 po
Manong: Oh eto namang kabila
Mari: (bp ulet) 130/80 po
Manong: Bakit magkaiba? Ano kaya ang may prolema ang dugo ko o yung kumukuha ng bp? Pagawan kaya kita ng evaluation sheet?

Ang eksenang ito ay naganap sa harap ni mabait na boss ng unit na ito… hay buhay…

History: Alam nyo bang minsan na ring na-ibp si manong ni karibal? Magkaiba rin naman ang kuha nya pero ayun okay lang naman sa kanya… haaay…

--
ENGKWENTRO

Ngumingiti rin naman si Killer Eyes, pero may mga moments talaga na mararamdaman mo yung hamon na “Sige, magbiro ka at ng matapos na ang buhay mo.” Alam nyang anak ako ng tatay ko. Kung nakabauti man ito o nakasama hindi ko alam. Sa mundong umiikot sa koneksyon, masayang malamang ang kaibigan ng ninong mo ay kaibigan mo rin; good luck na nga lang sa iyo dahil ang kaaway nya ay bangungot mo hanggang ika’y mapraning!

Masaya naman syang kausap… mabait in a way, pero pag trabaho na at nagkataong toxic mabilis syang mairita ng mga retorikal kung tanong.


Sitwasyon: May patient na nasangkot sa isang vehicular accident 5 days ago; minor wounds lang naman ang naging souvenir nya sa experience na ito. Ako ang nagwound dressing. May pus na yung wound at wala pala syang iniinom na antibiotic. Out of concern lang naman pinayuhan ko syang magpakonsulta muli para mabigyan ng gamot. Matapos resetahan, inabot ko na sa pasyente yung cloxacillin. Okay naman ang lahat ng biglang maging toxic ang sitwasyon at dumami ang pasyente. Nadisorient tuloy ako, tapos bigla akong tinawag ni Killer Eyes.

M.K.E.: Yung Cloxa okay na ba?
Mari: Ahm.. Po?
M.K.E.: (nagningas ang mga mata) Cloxa!
Mari: (kabado, lumunok) tapos po?
M.K.E.: Yung cloxacillin naibigay mo na ba?!
Mari: (paos) K-kanino po?
M.K.E.: (lalong naghimagsik ang mga mata) sa pasyenteng pinakita mo kanina!
Mari: (biglang tumayo ng tuwid) Yes ma’am nabigay ko na po. Napapirmahan ko na rin po ung form sa pharmacy.

Haaay.. oh di ba? Minsan talaga ang stupid ko…. Marami pa akong tanga moments kasama nya pero ito yung pinakalatest hehe.

Bakit kaya parang ang unstable ko habang si karibal ay ever dependable???


Mula sa eksenang ito, hanggang sa pagkuha kahit ng bp parang may duda pag nalaman nyang ako ang gumawa…. haaay…. tiwala, minsan ang hirap mong makuha. hehehe

Naalala ko tuloy ang sabi ng college English teacher ko: Ang mga uno sa grade nyo, baleweala na pagnagtrabaho na kayo.

Siguro ganun nga talaga. Bawat tanghalan iba iba ang nanunuod. Masaya naman ako dahil sa huling entabladong ginanapan ko nagpalakpakan ang mga tao… ang problema ko nga lang ngayon, dahil sa bumababa na ang telon sa dati kong entablado, paano ko sisimulang ganapan ang mas malaking papel sa mas malaki at bagong tanghalan?

BYAHENG EXPRESS

Natapos ko nang fill-upan ang form mula sa Chronicles of Abalang Tambay. Sa ngayon, papunta na ako sa lugar kung saan ko ito ipapasa. Magsusunadalo na yata ako.

Nurse ako by profession. Napansin mo na ba kung paano nagkalat ang mga nurse sa bansang ito? Kalabitin mo yung naninigarilyo dyan sa gilid baka nurse ‘yan. Intrigahin mo rin yung kausap mong call center agent chances are nurse iyan. Ayoko ng pag-usapan pa kung sino ba ang may problema, kaming mga bagong graduate/board passers o ang mundong ginagalawan namin?

Anyway, sa bansang ito kung saan maraming aplikante pero konti ang trabaho, syempre kahit anong opportunity ang mag-open up sa iyo, grab lang ng grab! At sa bagong karir ng buhay ko, nurse officer sa isang civilian pero military (in nature) institution ang bagsak ko. At ito, ito ang istorya ng paglalakbay ko…


Kikay akong tao. Kaya kahit nagpunta ako sa headquarters kikay look pa rin ako. Eh ano kung ang kulit ng lace ng damit ko at fit ang skinny jeans ko? Ano naman kung nakaopen toes ang may takong ko pa na sapatos? Ano naman? Ganyan ang future generation ng mga maglilingkod sa inyo, may sense of fashion! Pero syempre pa ako lang naman ang nakaapreciate ng look kong ito. Dahil irap, taas kilay lang naman ang inani ko mula sa mga sundalong babae rito.


Nakarating na nga ako sa opisina na gusto kong puntahan. Mabait naman ang boss ng unit na ‘to. Kakilala rin nya ang tatay ko na nagtratrabaho rin dito. Oh well, minsan ganyan talaga ang mundo… binubuo ng koneksyon. Naipasama ko na ang resume ko pati application form. Nakapagbattery exam na rin ako para makapasok sa institution na ito. Habang wala pang resulta, sa Monday magsisimula akong maging volunteer sa medical unit at excited na talaga ako. Watch out guys, andito na ako! Kayanin nyo ang kawirduhan ko!



AT MONDAY NA NGA ANOH…


Nakilala ko rito si Karibal (isa ring nurse-officer aspirant)
5’4” (pero sabi nya 5’5” daw sya)
Moreno
Nakasalamin
Physically Fit
Bibo
3 months ng volunteer dito
MaP.R.
Gusto ng lahat

Ayun.. okay lang naman sa aking maging bago sa isang social group. At okay rin lang naman sa akin ang taong active, energetic or as they call it ‘snappy’. Ang di ko lang talaga matanggap ay kung bakit naging ganito ang aming sitwasyon ni karibal:
  • ultimo pagkuha ng bp (blood pressure) ng walang labang pasyente kumpetisyon.
  • kapag may assist for minor surgeries magugulat na lang ako andun na sya! Syempre hindi na ako pwedeng sumingit kasi crowded na.


May isa pa palang persona akong isisingit. Tawagin na lang natin syang Killer Eyes.
5’2” (di ko ito sure ha)
May pinanghahawakang posisyon
May killer eyes – kung nakakamatay lang ang tingin matagal na akong agaw buhay.


Anyway, damang dama ko talaga na mas gusto nya si karibal kasya sa akin. At hindi naman katakataka kasi may mga ’00, tanga po ako’ moments ang buhay ko. Gayunpaman, iba talaga yung aura nya… yung tipong tignan pa lang nya ako gusto ko na mag-sorry.


*Notice to public: Ang kaganapang ito sa buhay ko at ang pakitungo sa akin nina Karibal at Killer Eyes ay maaaring maling interpretation ko lang, maaring ako ang may problema.. pero kasi naman ano, kung kayo ang nasa sitwasyon ko… naku… naku….. hehehe

Soul Searching daw? Saang banda?

Naapektuhan ng ulan ang mood ko. Kapag ganito ang panahon nagmumuni ako. Madalas nakataas ang paa sa may tabi ng bintana, umiinom ng mainit na milo habang pinapanuod ang mga batang naglalaro ng habulan sa baha.


Para sa araw na ito dalawang bagay ang napag-isipan ko.


Mari’s Blurred Reflection:


Una. Pramis, bago ako mamatay magiging kabet muna ako. Hindi naman sa may asawa na ha, sa magsyota lang. Try lang naman baka sakaling bagay. =) [Babala: Do not try this at home at PARENTAL GUIDANCE.]


Ikalawa. Gusto ko mag-ampon:
3 years old
Female
Maputi
Mataba
Kulot ang buhok
Biba
*Sibling Series*

San Dobal (16 y.o.) vs Eng-eng (10 y.o.)

San Dobal: Eng-eng sino ang bago mong teacher ngayon?
Eng-eng: (mayabang) Si Mrs. Reyes.
San Dobal: Ah… Si Mrs. Reyes ba babae o lalaki?
Eng-eng: Syempre babae! Reyes nga eh!

.lol c;