Mari’s Blurred Reflection (part2)
Muli na naman akong nagmuni-muni isang araw na brown out sa aming munting bayan. At ito ang mga boong loob kong napagdesisyonan:
1. Gusto ko magkaroon ng kapatid na majikero! Wala akong pakeelam kahit asawa ng kapatid ko o sige kahit kapatid na sa labas basta gusto ko magkaroon ng kapatid na majikero. hehe
2. Gusto ko magkaroon ng kaibigang congressman.. gusto ko magkaroon ng kapangyarihan kahit hiram lang.. (leche mari)
3. Gusto kong magkaroon ng baklang best friend na abogado pero mahilig sa interior designing.
4. Gusto ko magkaroon ng kafling na architect. (para libre na ang design ng bahay at paupahan na balak kong itayo) [mari_manggagamit mode]
5. Gusto ko kasama kita…
(PERA) heheh ganun talaga, ikakasal ako sa piso someday! apir!