Wednesday, April 28, 2010

POGI

Maiksi ang buhok ko ngayon, pero dahil El Niño naiirita ako sa mumunting buhok na nangungulit sa batok ko. Bwisit din ako sa munting pulutong ng bangs na nalalaglag pag kumukuha ako ng blood pressure ng pasyente. So, syempre pa kelangan ko ng new hair do. At kung curious ka kung ano ang new hot look ko for twenty-ten isipin mo si Dora. Naiisip mo na? Nakakatawa di ba? Wait lang, there’s more… Isipin mo si Dora nagheadband! Ang baduy di ba (sobrang ewww…) Oh sige dali tapos itali mo yung buhok ni Dora… Sige ispin mong nakapony ang munti nyang buhok!


Nakakadiring look di ba? Yan ganyan ngayon ang ayos ko. At dahil na rin siguro sa ganitong anyo kaya nangyari ang eksenang ito:


Setting: Ospital

Plot: May sinugod sa emergency room. May katabi pa akong isang babaeng volunteer at isang lalaking volunteer naman sa aking likuran. Kailangang ng patient ng oxygen, kaya naman agad na tinawag ni kuyang kamag-anak ang mga volunteer nurses para makabitan na si Ate Pasyente ng oxygen…

Kuyang Kamag-anak: Pogi! Pogi! Halika rito patulong! (nakaktitig lang sa aming tatlo)

Mari: (for a moment, out of reflex pupuntahan na dapat si kuyang kamag-anak; kaya lang biglang narealize na si POGI ang tinatawag.)

Mari sa isip: Pogi daw… hindi naman ako pogi. (Nilingon ang katabing lalaking volunteer)

Lalaking Volunteer: (Lalapit na sana sa pasyente)

Kuyang Kamag-anak: Hindi ikaw! Sya! Si POGI! (sabay turo sa AKIN!!!)

So meh ganun? Ako si pogi?! Nakahikaw kaya ako kuya! May earings oh, so ano to pang astig look lang ganun? Tipong Mark Herras ganyan? Hmnnn….

okei payn, hindi naman ako namimili ng compliment… at least pogi ako di ba… [haayy…]


1 comment:

  1. hahahaha!!! grabe dre, wag ka na magnurse, sundan mo ang yapak ni vice ganda, gawin mo nalang katawa tawa ang mga ginagawa sayong masama... haha =p
    at least kinopliment ka =p

    ReplyDelete